‘Di maganda trip mo, brad! Lalaking bully sa Batangas, timbog sa mga awtoridad

Bukod sa pagkakasangkot sa rambol sa harap ng isang paaralan sa Batangas, napag-alaman ng mga awtoridad na ilang ulit na rin inireklamo ang suspek ng pambu-bully. May mga kasama pa umano itong mga menor de edad.

Inaresto ng mga awtoridad sa Lemery, Batangas ang isang 18-anyos na lalaki na patung-patong na reklamo ang kinakaharap.

Ayon sa mga awtoridad, sangkot sa rambol ang naturang lalaki, at ilang ulit na ring inireklamo ng pambu-bully at pananakot sa mga mag-aaral.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang sinasabing rambol sa isang komosyon sa labas ng isang eskuwelahan sa Lemery. Ilang minuto pa ay humantong na ito sa rambol.

Napag-alaman rin ng kapulisan na marami ng reklamo ng pambu-bully ang suspek at mga kasama nitong menor de edad.

Kasalukuyang nasa municipal social and development office na ang mga kasama ng suspek.