‘Di lang sa Coron! Rosmar, Rendon, bawal na umapak sa Palawan

Idineklara nang 'persona non-grata' ng mga lokal na opisyal sina Rosemarie "Rosmar" Tan, Rendon Labador at grupo nitong Team Malakas sa buong lalawigan ng Palawan.

Idineklara nang ‘persona non-grata’ ng mga lokal na opisyal sina Rosemarie “Rosmar” Tan, Rendon Labador at grupo nitong Team Malakas sa buong lalawigan ng Palawan.

Mabilis na inaprubahan sa una at huling reading ng Palawan Provincial Council ang isinumiteng resolusyon na gawing persona non-grata ang nasabing mga social media personalities.

Ayon kay Palawan 1st District board member Juan Antonio Alvarez, nainsulto ang munisipalidad ng Coron sa ipinakitang ugali ng mga vloggers.

Nag-ugat ang resolusyon nang magwala ang grupo matapos mag-post sa Facebook ang office staff ni Coron Mayor Marjo Reyes na ginagamit lamang ng Team Malakas ang mga residente ng Coron sa kanilang vlog.

Paglilinaw naman ni Alvarez ay pwede pa ring pumunta ang Team Malakas sa Palawan pero hindi na sila welcome dito.

“But the fact that they are not welcome here, they should be ashamed from coming back,” aniya.