‘Di kasing lakas, pero deliks pa rin: DOH, nagbabala sa panganib na dulot ng watusi

Mahalagang mabigyan ng karapatang lunas o atensiyong medikal ang sinumang makakalunok ng watusi o kung matatamaan sa mata ng kislap nito.

Bagaman hindi kasing lakas ng mga paputok, mapanganib pa rin ang “watusi,” na karaniwang ginagamit o pinupulot ng mga bata.

Kanya naman nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) sa maaaring mangyari sa hindi tamang paggamit ng watusi, lalo pa’t may naitala na itong kaso ng isang batang lalaki na nakalunok nito.

“Watusi is deadly. Watusi contains yellow phosphorus, potassium chlorate, potassium nitrate, and trinitrotoluene,” paalala ng DOH. “Ingestion will lead to death. Bring the patient to the emergency room ASAP. Do not buy or allow any watusi to be at your home.”

Kung makakalunok nito, sinabi ng DOH na pasukahin ang biktima at bigyan ng 6–8 na hilaw na puti ng itlong kung bata at 8–12 naman kung matanda na. Dapat rin dalhin agad ang biktima sa ospital.

Kung matamaan naman ng watusi sa mata, linisin ito ng malinis na tubig nang hanggang 15 minuto at dalhin agad sa ospital.