‘Di ka na lilipad: Señor Agila, 12 iba pa, kinasuhan ng child abuse, qualified trafficking

Kahit pa sa Surigao isinampa ang mga kaso, posible pa ring mailipat ang mga ito sa Maynila o sa iba pang korte upang walang makagulo sa paglilitis.

Kinasuhan na ng Department of Justice (DOJ) si Jey Rence Quilario, na mas kilala rin bilang Senior Agila, at 12 miyembro pa ng Socorro Bayanihan Services Inc. sa korte sa Surigao del Norte.

Isinampa ng DOJ ang 21 kaso laban kina Quilario at mga kasamahan nito sa harap ng Surigao del Norte Regional Trial Court Branch 3. Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, kabilang sa mga kasong isinampa ay qualified trafficking at child abuse.

Nilinaw naman ni Remulla na kahit pa sa Surigao isinampa ang mga kaso, posible pa ring mailipat ang mga ito sa Maynila o sa iba pang korte upang walang makagulo sa paglilitis.

Inaasahan rin ni Remulla na maglalabas na ang korte ng mga arrest warrant laban kay Quilario at mga kasamahan nito.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Socorro mayor Mamerto Galanida, Janeth Ajoc, Ibrahim Adlao, Jovelito Atchecoso, Daryl Buntad, Wenefredo Buntad, Sergio Cubillan, Jonry Elandag, Giovanni Lasala, Yure Gary Portillo, Florencio Quiban, at Karren Sanico Jr