DFA nilinaw: Gabinete, PBBM ‘di pumasok sa ‘new model’ deal ng China

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pinayagan ng kahit sinong opisyal mula sa adminisitrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang "new model" ng China sa Ayungin Shoal.

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pinayagan ng kahit sinong opisyal mula sa adminisitrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “new model” ng China sa Ayungin Shoal.

Pagdidiin ng ahensya, walang anumang kasunduan ang pinirmahan ng mga opisyal ng Gabinete sapagkat tanging ang presidente lang ang pwedeng makipagkasundo sa China.

Matatandaang kamakailan ay sinabi ng Chinese Embassy na nakipagkasundo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) para sa bagong model ng pamamahala sa Ayungin Shoal.

“The DFA wishes to emphasize that only the President of the Republic of the Philippines can approve or authorize agreements entered into by the Philippine Government on matters pertaining to the West Philippine Sea and South China Sea,” sinabi ng DFA sa isang pahayag.

“In this respect, the DFA can confirm that no Cabinet-level official of the Marcos administration has agreed to any Chinese proposal pertaining to the Ayungin Shoal,” dagdag pa nito.

Iginiit pa ng ahensya: “No such document, record or deal exists, as purported by the Chinese Embassy.”