DFA: Mga Pinoy sa Gaza City, hinihikayat lumikas matapos ilagay sa Alert Level 3 ang lugar

Mananatili naman ang Israel sa Alert Level 2 status kung saan hinihimok ng embahada ang mga Pilipino na bawasan ang mga hindi importanteng lakad, umiwas sa mga lugar na delikado, at maghanda sa paglikas kung kinakailangan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Isinailalim na ng Pilipinas ang Gaza sa Alert Level 3 status matapos ang tumataas na antas ng pagbwelta ng Israel sa biglaang pagsugod ng Hamas kamakailan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Dahil sa lumalalang sitwasyon sa Gaza, minabuti na ng DFA ang ipagutos ang boluntaryong paglikas sa lahat ng Pilipino sa lugar, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.

Mayroong 137 Pilipino sa Gaza, na karaniwan ay mga maybahay at pamilya ng mga taga-Gaza City, ayon kay De Vega.

Mananatili naman na nasa Alert Level 2 ang estado ng Israel para sa Pilipino, dagdag pa ng opisyal. Mayroon namang tinatayang 30,000 Pilipino sa bansa, at karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang mga caregiver.

Sa ilalim ng Alert Level 2, hinihimok ang mga Pilipino na bawasan ang hindi importanteng mga lakad at paglabas ng kanilang tirahan, pag-iwas sa mga lugar kung saan may mga kaguluhan, at ibayong paghahanda sa paglikas