DFA: 17 Pinoy seafarer sa Yemen nasa mabuting kalagayan pero ‘di pa makakauwi

Nasa mabuting kalagayan na ang 17 Pilipinong seafarers ng Galaxy Leader matapos salakayin ng mga rebelde ang kanilang barko sa Yemen.

Nasa mabuting kalagayan na ang 17 Pilipinong seafarers ng Galaxy Leader matapos salakayin ng mga rebelde ang kanilang barko sa Yemen.

Ipinahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa isang panayam na bagaman maayos ang kalagayan ng mga seafarer ay hindi muna makakauwi ang mga ito.

“Hindi sila kasama sa mga uuwi bukas,” pahayag ni De Vega.

Subalit, siniguro naman ni De Vega na may pagkain ang mga seafarers at makakausap ang kanilang pamilya.

“Nabibisita sila ng honorary consul natin sa Yemen, pero ikokondena ng UN [United Nations] Security Council ang aksiyon na ito at uulitin ang panawagan na ma-release sila at nakikipag-coordinate tayo sa international communities,” saad pa nito.

Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ng ahensya na ang 11 sa 13 na nabuhay na seafarers mula sa atake ng Houthi ay uuwi sa Marso 12.