Design muna bago budget! Solon kinalampag DepEd sa climate-resilient classrooms

Dumepensa si Pasig Rep. Roman Romulo kung bakit hindi pa naglalagay ng budget para sa planong climate-resilient classroom ng Department of Education (DepEd).

Dumepensa si Pasig Rep. Roman Romulo kung bakit hindi pa naglalagay ng budget para sa planong climate-resilient classroom ng Department of Education (DepEd).

Saad ni Romulo, wala pang sinusumiteng disenyo ang DepEd hinggil sa project.

Aniya, tila may kakulangan sa coordination sa pagitan ng DepEd at ilang government agencies tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Kailangan muna ang disenyo, at kailangan muna mag-usap ang DepEd, DPWH at other relevant na mga national or local agencies para malaman kung ano ang tamang disenyo na gagawin nila,” wika ni Romulo.

Lahad ng mambabatas, na chairperson ng House Committee on Basic Education and Culture, nanghingi sila ng blueprint para sa mga ipapagawang classroom bago pag-usapan ang tungkol sa budget.

“So kailangan muna may tamang design before pagusapan ang budget,” ayon kay Romulo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang DepEd hinggil sa issue.