DepEd taas kilay sa mga estudyanteng nag-twerk, sumayaw sa graduation

Pinuna ng Department of Education (DepEd) ang kamakailangang naba-viral na video kung saan mapapanood na todo indak ang mga estudyante sa ilang Tiktok moves pagkatapos nilang makuha ang kanilang diploma sa graduation ceremony.

Ayon sa DepEd, dahil isang pormal na seremonya ang pagtatapos, dapat lang na umayon sa kaganapan ang kilos ng isang indibidwal.

Kinikilala naman umano ng ahensya ang kahalagahan ng pagpaphayag ng sarili subalit ang graduation ay dapat ipagdiwang ng mataimtim.

“They should be conducted in a solemn manner. So definitely ‘yong twerking or dancing upon the receipt of the diploma does not fall in the category of celebrating its solemnity,” ani DepEd Assistant Secretary for Operations Francis Bringas.

Sa ngayon, iimbestigahan na ng DepEd kung kailan ginanap at kinunan ang naturang graduation.

PANOORIN:

@vleanacruz EYY BATCH 2023-2024 #graduate2024 #graduation #EYY #HAHA #fypシ゚viral ♬ GRADUATION SONG REMIX – 彡𝙅𝙣 𝙋𝙖𝙧𝙙𝙯ヅJ̳N̳P̳