DepEd sisilipin viral na sermon video ng guro

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) hinggil sa guro na nag-viral matapos i-live sa social media ang panenermon sa kanyang mga estudyante.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) hinggil sa guro na nag-viral matapos i-live sa social media ang panenermon sa kanyang mga estudyante.

“We are verifying the report from the field and will require a complete incident report to determine the next course of action in accordance with existing DepEd policies,” pahayag ni DepEd deputy spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas.

Sa ilalim ng child protection policy na ipinasa ng ahensya noong 2012, ano mga aksyon o salita na nangmamaliit, nanlalait, o nakakasira sa dignidad ng isang bata ay itinuturing na pang-aabuso.

Samantala, sa viral video, ang babaeng guro ay sinabihan ang mga estudyante na: “Hindi ako nag-board exam para lang hindi irespeto ng mga katulad niyong wala pa namang nararating sa buhay. Hindi na nga kayo matalino, sama pa ng ugali ninyo.”

Sa kabilang dako, nanawagan ang grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na alamin muna ang kwento sa likod ng video bago husgahan ang guro.

“I-review itong policies natin on child protection, kung ito ba talaga ay nakakatulong ba o hindi sa atin,” pahayag ni TDC chairperson Benjo Basas. “”Yung mga teacher natin ngayon, ang daming kinakaharap na kaso tungkol d’yan. Kasi napaka-sensitive na nu’ng henerasyon na ngayon, not only the children but even the parents.”