DepEd nagpaliwanag sa maraming honor students

Matapos ang kontrobersyal na komento ng isang netizen na parang lahat ng estudyante ngayon ay nakakakuha ng honor at award tuwing graduation, agad namang sumagot ang Department of Education (DepEd) upang ipagtanggol ang kasalukuyang sistema ng pagbibigay ng mga karangalan.

Matapos ang kontrobersyal na komento ng isang netizen na parang lahat ng estudyante ngayon ay nakakakuha ng honor at award tuwing graduation, agad namang sumagot ang Department of Education (DepEd) upang ipagtanggol ang kasalukuyang sistema ng pagbibigay ng mga karangalan.

“It’s graduation season. Pero bakit parang lahat ng mga bata may honor at awards? Sorry hindi naman sa hindi masaya para sa kanila, pero naalala ko lang ang hirap mag-honor dati at pag may honor ka parang nakakabilib talaga. Musta naman yun 2/3 ng class may honor? Tapos kulelat tayo sa PISA?” sey ng netizen.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, iba-iba ang mga pamantayan at pananaw na ginagamit sa pagbibigay ng mga award at recognition sa loob ng bansa kumpara sa mga internasyonal na assessment tulad ng PISA.

“Iba naman ang parameters na ginagamit ng PISA when it comes to determining the scores of the countries. Iba rin naman ang parameters na ginagamit natin for the awards and recognition sa schools based on achievements. So hindi natin puwede i-compare iyong results ng ating classroom performances with that of international large-scale assessments.” sabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas.

Iginiit ni Bringas na hindi pwedeng ihambing ang resulta ng PISA at ang mga award na ibinibigay sa loob ng bansa.

“Hindi natin puwedeng i-compare ang resulta ng ating classroom performances sa international large-scale assessments tulad ng PISA. Iba-iba ang mga pamantayan at pananaw na ginagamit sa pagsusuri,” aniya.

Samantala, nilinaw din ng DepEd na tanggal na ang mga titulong valedictorian, salutatorian at honorable mentions sa graduation upang maiwasan ang kompetisyon. Gayunpaman, patuloy pa rin umano ang pagbibigay ng mga karangalan sa mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang mga naabot na tagumpay.