DepED: Graduation gawing simple; bonggang money garland dinedma

Tila dedma ang Department of Education (DepED) sa money gardland na siyang uso ngayon sa mga magulang at magsisipagtapos na mga estudyante.

Tila dedma ang Department of Education (DepED) sa money gardland na siyang uso ngayon sa mga magulang at magsisipagtapos na mga estudyante.

Viral kasi ngayon ang apela ng ilang mga guro na gawin ang pagsasabit ng money garland pagkatapos ng graduation ceremony bilang respeto sa ilang mag-aaral na umaakyat din ng stage upang tanggapin ang kanilang mga medalya o diploma.

Ang purpose kasi ng pagsasabit ng money garland at para bigyan ng appreciation ang mga batang nagsipagtapos at hindi para ipalandakan sa ibang tao na higit silang sagana at mas maraming pera kumpara sa iba.

Giit ng DepEd, regalo naman ito ng mga magulang sa kanilang mga anak ngunit ang batikos ay nasa tao pa rin.

Hinikayat naman ng kagawaran ang mga eskwelahan na gawing payak at simple ang mga graduation rites na gaganapin ngayong Mayo hanggang Hunyo ng taon.