Deped-Catanduanes, itinanghal na kampeon sa painting contest ng Civil Service Commission-Bicol

Nagwagi ang obra mula sa Catanduanes National High School, na kumuha ng inspirasyon sa personal na buhay ng kanyang mga kapwa guro.

LEGAZPI CITY – Kinilala bilang kampeon sa inilunsad na Painting Contest ng Civil Service Commission (CSC)-Bicol ang obra ng Department of Education (Deped)-Catanduanes na may titulong “Kape”.

Ayon kay teacher Noel Villanueva ng Catanduanes National High School at ang artist ng naturang obra, sumasalamin ang kanyang painting sa mga sakripisyo ng mga guro kahit sa personal nilang buhay.

Nitong Miyerkules, September 20, 2023 idinaos ang Judging at Awarding Ceremony sa SM City Legazpi.

Kabilang sa mga nagpadala ng entry ay ang DENR-Environmental Management Bureau, DEPED Catanduanes, Bureau of Fire Protection (BFP), Legazpi Water District, Tabaco Water District, BIR Revenue 10-Legazpi City, BIR-RDO Legazpi City at DEPED Bicol.

Kinilala naman bilang First Runner Up ang “The Last Paper” ni Frincez Ezra Carulla ng Tabaco Water District. Second Runner Up naman ang obra ni Atty. John Eric Tizon ng DENR-EMB at kinilala naman na People’s Choice Award.

Ayon kay CSC Bicol Director Daisy Punzalan Bragais, layunin ng kompetisyon na mabigyan ng pagkilala ang sakripisyo ng bawat public servant at maipagmalaki ang kanilang mga talento.

Kaugnay nito, pinasalamatan rin ng ahesya ang lahat ng nakipagtulungan upang maging matagumpay ang kompetisyon.