DENR: Chocolate Hills tinapyasan para maipatayo resort!

Nilantad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may ginalaw na parte ng Chocolate Hills sa Bohol para maipatayo ang Captain's Peak Resort.

Nilantad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may ginalaw na parte ng Chocolate Hills sa Bohol para maipatayo ang Captain’s Peak Resort.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyazaga, napansin sa inspeksyon na may inalis na parte ng Chocolate Hills ang developer ng resort.

“Ang nakita ko po kahapon ay tinapyas ng developer ng project na ito ang ilang mga hills in order to design and execute yung kaniyang proyekto,” wika ni Loyzaga sa panayam ng dzBB.

Aniya, hindi basta-basta pwedeng galawin ang Chocolate Hills lalo’t protected area ito sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

Ngunit nalaman na lumusot sa Protected Area Management Board (PAMB) ang pagpapatayo ng resort.

Paliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr, hindi umano nakadalo ang DENR nang aprubahan ng PAMB ang Captain’s Peak.

Aniya, tanging barangap chairman lang ang nangasiwa para pumasa sa PAMB ang naturang resort sa Chocolate Hills.