Dengue cases, bumaba; DOH, nagpaalala ngayong tag-ulan

Sa papalapit ng pagpasok ng tag-ulan, bumaba ang naitatalang kaso ng Dengue sa bansa.

Sa papalapit ng pagpasok ng tag-ulan, bumaba ang naitatalang kaso ng Dengue sa bansa.

Ayon sa Department of Health, nakapagtala ng 30% decrease ng dengue cases mula sa 3,634 nitong April 21 to May 4, kumpara noong March 24 to April 6 na may 5,380 kaso.

Nagpaalala naman si Health Secretary Teodoro Herbosa sa publiko na puksain ang lugar na posibleng pamahayan ng Dengue tulad ng mga gulong na may tubig.

Ngayong nalalapit na ang tag-ulan, pinayuhan din ang publiko na magsuot ng mahahabang damit, gumamit ng mosquito repellent lotion, at uminom ng maraming tubig.