Deliks sa palagiang brownout ito! El Niño magdudulot ng problema sa suplay ng kuryente sa Luzon — mambabatas

Kung maapektuhan ng El Niño ang mga hydroelectric power plant sa Luzon, maaaring magkulang ang suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, na maaaring magdulot ng mga malawakang brownout.

Nababahala si Quezon City Rep. Marvin Rillo sa maaaring maging epekto ng matinding El Niño sa suplay ng enerhiya sa Luzon sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Rillo, na miyembro rin ng Committee on Energy, ang kakulangan sa pag-ulan ay maaaring makaapekto sa operasyon ng mga hydropower facilities, na siya namang pinagkukunan ng kuryente ng maraming bahagi ng Luzon.

“We would urge the House Committee on Energy to look into the potential adverse impact of prolonged below normal rainfall conditions on hydroelectric power plants in Luzon,” saad ni Rillo sa isang pahayag.

Dagdag pa ng mambabatas, may kabuuang 2,416 megawatts ang naiaambag ng mga hydroelectric power plants sa mga grid ng kuryente sa Luzon.

“Grid-connected, dam-type impounding hydro, pumped hydro, and run-of-river power plants currently supply around 13.9 percent of Luzon’s dependable generating capacity,” paliwanag ni Rillo.

Kung maapektuhan ng El Niño ang mga plantang ito, maaaring magkulang ang suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, na maaaring magdulot ng mga malawakang brownout.

Una nang nagbabala ang Meralco at Aboitiz Power Corp. na maaaring magkulay ang suplay ng kuryente dahil sa patuloy na pagtaas ng demand.