Deliks dito! Comelec, tinukoy na ‘areas of concern’ ang 242 barangay

Mariing binabantayan ng Comelec ang 242 na barangay matapos silang ilagay sa red category ng election areas of concern ng ahensya.

Inilagay na ng Commission on Elections (Comelec) ang 242 barangay sa red category of election areas of concern (EAC) kulang isang buwan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa isang press conference, pinaliwanag ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na nilalagay ang isang barangay dahil may security threats dito, kabilang na ang election-related violence, pagkakaroon ng political rivalry, at presensya ng mga private army.

“Historically, pag palapit na tayo sa election, mag-i-intensify ‘yung rivalry kasi lalo’t mag-u-umpisa na ang campaign period. Kasi iyong sentiments ng mga tao, so emotions will be high, we’re expecting higher incidents and higher categories will be classified under the red,” pahayag ni Ferolino.

Kaugnay nito, ang mga nasabing barangay ay inilagay ng ng Comelec sa watchlist nito at imo-monitor maigi.