Delikado ‘yan! Co inalmahan pagpayag ng X sa adult content

Nagpahayag ng malaking pagkadismaya si House Committee on Welfare of Children chairperson at BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co sa bagong polisiya ng X (dating Twitter) na papayagang magkaroon ng adult content sa kanilang platform.

“This new policy of X is a clear and present danger to Filipino children and adults,” ayon kay Co.

“This policy makes it easier for all kinds of prostitutes and sex offenders to find customers, prey, and unwitting victims,” dagdag pa niya.

Aniya, ang sexual content sa X ay dapat nang alisin kung may petisyon na isisampa sa National Telecommunications Commission (NTC).

“X and Elon Musk may not be aware of our laws on cybercrime, sexually explicit content, and OSAEC–online sexual abuse and exploitation of children,” sabi ng kongresista.

Nanawagan din si Co sa mga ahensya ng pamahalaan na gumawa ng mga hakbang kaugnay ng bagong polisiya ng X at ang magiging epekto nito.

“Our law enforcers should also be on alert against the use of X for communication and transactions on illegal drugs, controlled substances, and other criminal activities,” pagdidiin ni Co.