Delikadeza muna! MTRCB chair Lala Sotto hindi bumoto sa pagpataw ng suspensyon sa ‘It’s Showtime’

Tiniyak ng MTRCB na hindi lumahok sa botohan laban sa 'It's Showtime' ang chair nitong si Diorella “Lala” Sotto-Antonio, na na anak ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng 'EAT.'

Nag-inhibit diumano si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman Diorella “Lala” Sotto-Antonio sa pagboto sa suspensiyon ng “It’s Showtime.”

Ayon sa pahayag ng ahensiya, si Sotto ay sadyang hindi lumahok upang matiyak na maipatutupad ng board ang mandato nito na walang impluwensiya ng anuman o ninuman.

“The MTRCB reassures the public that it will continue to uphold due process and fairness in the discharge of its regulatory mandate and quasi-judicial function, as provided by law,” pag-gigiit ng board sa isang pahayag na inilabas nitong Martes, Setyembre 5.

Si Sotto ay anak ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na isa naman sa mga host ng “EAT,” na siya namang karibal ng ‘It’s Showtime’ sa tinatawag na ‘noontime wars’ sa telebisyon.

Matatandaang nitong Lunes, Setyembre 4, ay pinatawan ng MTRCB ang ‘It’s Showtime’ ng 12 days preventive suspension dahil sa mga reklamo sa mga diumano’y malalaswang galawan.

Bilang tugon ay nag-file na ng Motion of Reconsideration ang pamunuan ng nasabing programa upang mabaligtad o mabawi ang nasabing parusa.