Delay ulit? MRT-7 realignment hiniling ng SJDM city mayor

Hiniling ni San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes na baguhin ang ruta ng Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 matapos ang konsultasyon sa mga interasadong partido.

Hiniling ni San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes na baguhin ang ruta ng Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 matapos ang konsultasyon sa mga interasadong partido.

Aniya, magdudulot ng alalahanin sa trapiko at pagkaantala sa mga serbisyo ng mga matatamaang establisyamento sa pagtatayuan ng MRT-7 station sa lugar.

“Our city government consolidated various sentiments from our constituency and we immediately shared it in a meeting with Transportation Secretary Jaime Bautista for consideration of the national government and the MRT-7 proponent,” sabi ni Robes.

Dagdag niya, umapela ang mga apektadong may-ari ng mga property sa mismong Department of Transportation. Nagbigay na rin ng suhestiyon ang alkade sa DOTr kung saan maaaring ipwesto ang bagong station na mas gagarantiya sa kagustuhan ng mga taga-San Jose del Monte.

“We have forwarded options where this essential project can push through while also ensuring that the general welfare of the people of San Jose del Monte is met,” aniya.