Dedma sa libel: Ogie Diaz, Mama Loi tuloy sa pagtsika kay Bea Alonzo

Nilinaw ni Ogie Diaz at kanyang co-host na si Mama Loi na patuloy pa rin silang magbabalita ng tungkol kay Bea Alonzo, sa kabila ng kinakaharap na cyber libel case na isinampa ng aktres laban sa dalawa.

Ayon kay Mama Loi, normal naman umano na mapag-usapan lalo pa’t isa siyang artista, kung saan bukas ang ilang bahagi ng buhay sa publiko.

“Public figure ka e, ‘di ba. Siyempre, lahat naman…kapag nandito ka sa industriya at kahit sa politics, ‘di ba? Talagang subject to public opinion,to public scrutiny lahat,” sey ni Mama Loi.

“Lahat, kahit kami ganu’n din. Nadya-judge rin kami, naba-bash kami nang bonggang-bongga. Ayan nga sa ilalim (comment section ng kanilang vlog) sa comment below noh, kung ano-ano ang nababasa natin. Sinasabi sa amin, huwag na namin patulan, huwag na pag-usapan. E, pag may balita po paano?” dagdag pa nito.

Matatandaang kamakailan ay gumawa ng ingay ang pagsampa ng kaso ni Bea sa Quezon City Prosecutor’s Office para kina Cristy Fermin at Ogie dahil umano sa paninirang-puri sa kanya sa kanilang mga YouTube show.