Dedma na lang nga ba? Jay Contreras ng Kamikazee tila pinasaringan si Sorsogon Gov. Hamor 

Tila pinasaringan ng lead vocalist ng Kamikazee ang gobernador ng Sorsogon sa post sa social media matapos patalsikin ang banda mula probinsya dahil ayaw magpa-picture sa bagong tourist attraction na ipinakiusap ng opisyal.

Bagaman hindi pa diretsahang sinasagot ng bandang Kamikazee ang pagpapauwi sa kanila dahil diumano sa kanilang bad attitude, tila may pasaring naman ang lead vocalist nito sa gobernador ng Sorsogon na si Edwin Hamor.

Kamakailan ay nag-post sa Instagram ng tatlong litrato nito na black and white, at dalawa rito ay may caption na “Choose love.” Ang caption naman ng isang litrato ay “I choose love.”

Hula ng ibang netizens, ito na marahil ang tugon ni Contreras sa issue, kung saan pinaalis umano ni Governor Hamor ang sikat na banda ng tumanggi itong magpakuha ng litrato sa isang kilalang tourist destination ng Sorsogon.

Wala pang pormal na pahayag ang banda sa oras na ito.