Debris ng rocket mula China, babagsak sa Ilocos Sur, Catanduanes – PhilSA

Posibleng sa karagatang sakop ng Ilocos Sur at Catanduanes babagsak ang mga bahagi ng isang rocket mula China, batay sa pagtataya ng Philippine Space Agency (PhilSA).

Posibleng sa karagatang sakop ng Ilocos Sur at Catanduanes babagsak ang mga bahagi ng isang rocket mula China, batay sa pagtataya ng Philippine Space Agency (PhilSA).

Sa pahayag ng PhilSa, may layong 78 nautical miles mula sa Vigan, Ilocos Sur ang pagbabagsakan ng debris mula sa rocket.

Samantala, ang ilan pang mga bahagi nito ay posibleng bumagsak sa dakong 194 nautical miles at 332 nautical miles mula Panay Island sa Catanduanes.

Pinag-iingat ngayon ng PhilSa ang mga sasakyang pandagat at pan-himpapawid na posibleng tamaan ng debris.

“While not projected to fall on land features or inhabited areas, falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone,” saad ng ahensya.

“Additionally, the possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time,” dagdag pa nito.

Nagbabala rin ang ahensya sa mga makakakita sa debris na huwag itong lapitan sa posibilidad na may taglay pa itong rocket fuel.

Ang debris ay mula sa Long March 8 rocket na ginamit ng China upang maipadala sa kalawakan ang communications relay satellite na Quequiao-2.