Deadline sa PUV consolidation, sagad na hanggang Abril 30

Nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga taga-sektor ng transportasyon na hanggang Abril 30 na lamang ang franchise consolidation ng mga pampublikong sasakyan.

Nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga taga-sektor ng transportasyon na hanggang Abril 30 na lamang ang franchise consolidation ng mga pampublikong sasakyan.

“Wala na pong extension, kailangan na kailangan na natin ‘yan,” wika ni Marcos sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting ngayong Miyerkoles.

“Titiyakin lang natin na hindi mapabigat ang babayaran at iuutang ng driver at operator kaya ginagawa nating maayos at ginagawa nating well organized ‘yung sistema,” dagdag pa ng pangulo.

Sa ilalim ng franchise consolidation, ang mga operator ng mga pampublikong sasakyan ay bubuo ng mga kooperatiba o korporasyon upang makakuha ng tulong-pinansyal sa pagbili ng mga modernong jeep.

Parte ito ng modernization program ng pamahalaan na inilarga noong 2017.

Ang hindi aabot sa franchise consolidation ay babawian ng prangkisa.