DDS, China nagpa-plano patalsikin si PBBM?

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang 'di umano'y pagpaplanong patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang ‘di umano’y pagpaplanong patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kamakailan kasi ay lumabas ang balita na nagpa-plano ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese communists na paalisin ang pangulo.

Bukod pa riyan, balak din umano ng mga ito na guluhin ang gobyerno bago dumating ang mga imbestigador ng International Criminal Court na sisilip sa madugong kampanya laban sa droga ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na wala silang namonitor na seryosong banta laban sa administrasyong Marcos.

Subalit bilang pag-iingat ay makikipagtulungan ang PNP sa ibang ahensya para sa imbestigasyon.