DBP, nagbigay na ng P25 bilyong ambag nito para sa Maharlika Fund

Nakapagbigay na ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng P25 bilyon na ambag nito sa Maharlika Investment Fund.

Naglagak na rin ng karagdagang pondo sa Maharlika Investment Fund (MIF) ang Development Bank of the Philippines (DBP) nitong Biyernes, Setyembre 15.

Kinumpirma ng DBP president and CEO Michael de Jesus na ipinadala na ng bangko sa Bureau of Treasury (BTr) ang ambag nitong P25 bilyon para sa MIF. Itinakda ng implementing rules and regulation ng Republic Act No. 11954, na lumikha sa MIF.

Sumunod ang pahayag ng DBP sa anunsyo ng Land Bank of the Philippines na nag-remit na rin sila sa BTr ng ambag nilang puhunan na P50 bilyon para sa Maharlika Investment Corp., na siyang mangangasiwa sa MIF.

Umaasa si Finance Secretary Benjamin Diokno na gugulong na ang MIF bago matapos ang taon.

“We are witnessing a growing interest for investments in the MIF from multilateral financial institutions and foreign investors. With the regulatory requirements in place, and after securing the seed capital from state-run institutions, we are confident that the Fund will be operational by year end,” ani Diokno.

Ayon pa sa kalihim, inaasahan niyang mahirang ang limang miyembro ng board of directors ng MIC ngayong Setyembre. Kabilang rin sa board ang Finance secretary, at ang mga pangulo ng Landbank at DBP.