DBM sa DOH: Tugunan isyu sa emergency allowance ng mga health workers

Pinagpapaliwanag ng Department of Budget and Management (DBM) ng Department of Health (DOH) kung ano ang dahilan bakit hindi pa naipapamahagi ang health emergency allowance (HEA) claims sa ilang mga healthcare workers.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, naglabas ang ahensya ng halos P91.283 bilyon sa DOH para sa pagpapamahagi ng mga benepisyo at allowances ng mga health workers.

“To date po, mula po nang nagsimula ang pandemic at saka po nagkaroon ng batas para mabigyan ng compensation ‘yung ating mga health workers, P91.283 billion na po ang nare-release ng DBM,” pahayag ni Pangandaman sa dzBB.

“Yung budget po natin this year, ang ginagawa po natinis comprehensively released. Binigay na po natin lahat ‘yan sa DOH. So, sila po ang bahala mag-disburse,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Pangandaman na dapat tapusin na ng DOH ang kanilang HEA mapping upang itaguyod ang transparency nang sa ganun ay malutas na ang mga isyu sa pagkaantala sa paglabas ng HEA.

Inaasahan niyang matatapos ang HEA mapping sa loob ng buwan para mas madali sa DOH na alamin ang mga health worker na hindi pa nakakatanggap ng kanilang kompensasyon.