DBM naglabas P2.8B para sa bagong firetrucks, emergency vehicles in BFP

Makabibili ng mahigit 300 na firetrucks at emergency vehicles ang Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa P2.880 bilyong pondong inilabas ng Department of Budget ang Management (DBM) para sa modernization program ng ahensya.

“We understand how crucial BFP’s responsibilities are during emergency response and fire incidents. We owe it to them to support their ongoing capability enhancement efforts so they can effectively perform their mandate,” sabi ni budget secretary Amenah Pangandaman.

Dagdag niya, bahagi ng inisyatibo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagbibigay pondo sa BFP upang mas palakasin pa ang kakayahan ng ahensya.

Magagamit ng BFP ang tinatayang 154 firetrucks, tatlong collapsed structure at rescue trucks, at 132 na mga abulansya para sa pagresponde sa mga sakuna o nangyayaring trahedya sa mga lugar sa bansa.