DBM dumayo sa Bicol para quarterly meeting

Dumayo ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) sa Legazpi, Albay para sa kanilang first quarter regional coordination meeting.

Nitong Huwebes ng hapon, March 7, lumapag sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay si DBM Secretary Amenah Pangandaman kasama ang ilang opisyal ng ahensya.

Ang regional coordination meeting ay ginagawa ng DBM kada quarter upang mapag-usapan ang ilang strategy patungkol sa budget ng gobyerno.

Samantala, bukod sa regional coordination meeting ay ilulunsad din ng DBM ang ‘OGPinas!’ sa The Oriental Legazpi sa Albay ngayong Biyernes, March 8.

“Layon ng OGPinas! na itaas ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa PH-OGP, isulong ang bukas na pamamahala sa bansa, at paigtingin ang pakikilahok ng publiko sa paggawa ng ating mga polisiya,” ayon sa pahayag ng DBM.