DBM: 2024 proposed budget ng DPWH, tutulong sa pagpapalago ng ekonomiya

Naglaan ang Department of Budget and Management ng P882.2 bilyon para sa Department of Public Works and Highways para sa mga pagawaing bayan sa 2024

Makakaasa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P882.2 bilyon mula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa susunod na taon na tutulong pang magpabilis ng socioeconomic development initiatives ng gobyerno.

Ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, ang panukalang budget ng DPWH ay susuporta sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng gobyerno sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagbabawas ng mga gastos sa transportasyon sa ilalim ng Build Better More Program.

“As highlighted by the President during his second State of the Nation Address (SONA), infrastructure development is one of the key drivers of our continuing economic growth. As such, we will sustain this momentum through the Build Better More Program,” Pangandaman said.

Dagdag ni Pangandam, ang prayoridad ng DPWH ay ang pagtatayo ng karagdagang pampublikong imprastraktura, kabilang na ang mga kalsada at tulay, upang mapadali ang pagbangon ng bansa mula sa Covid-19 pandemic.

Ang DPWH ay naglaan ng P215.643 bilyon para sa flood management program nito sa 2024, P174.089 bilyon para sa Convergence and Special Support Program, at P148.112 bilyon para sa Network Development, na saklaw naman ang pagtatayo, pagpapalawak, at pagpapabuti ng iba’t ibang mga kalsada.