Davao Police blangko pa sa pinagtataguan ni Quiboloy

Wala pa ring ideya ang Police Regional Office XI at ang Davao City Police Office (DCPO) hinggil sa pinagtataguan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Wala pa ring ideya ang Police Regional Office XI at ang Davao City Police Office (DCPO) hinggil sa pinagtataguan ni Pastor Apollo Quiboloy.

“We cannot confirm if Pastor is still in Davao because we also do not know where he is now,” saad ni Police Major Catherine Dela Rey, tagapagsalita ng Police Regional Office XI.

Samantala, inihayag naman ni DCPO spokesperson Police Capt. Hazel Tuazon na hinihintay nila ang kopya ng arrest order mula sa Senado. Kailangan umanong makipag-ugnayan ng Senate sergeant at arms sa lokal na pulisya sa pag-aresto kay Quiboloy.

Tiniyak naman ni Dela Rey na hindi nila kakampihan si Quiboloy sa kabila ng impluwensya nito sa Davao City.

“The police of Davao Region will always abide by our mandate as law enforcers whoever it is. Hindi kami tumitingin sa estado ng tao ano ba yun pangalan nya,” ani Dela Rey.

Inilabas ng Senado kamakailan ang arrest order laban kay Quiboloy kaugnay ng ilang beses nitong pagliban sa pagdinig ng mga mambabatas.

Nadidiin si Quiboloy sa mga reklamong pang-aabuso, violence, rape, at human trafficking.