Davao Occidental ginulat ng magnitude 5 lindol

Ginising ng Magnitude 5 na lindol ang Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ginising ng Magnitude 5 na lindol ang Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang pag-uga bandang alas-6:45 ng umaga, kung saan tectonic ang pinagmulan nito.

May layo itong 75 kilometro epicenter sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Samantala, naramdaman ang Intensity I sa Kiamba, Malungon, at Glan, Sarangani; City Of Digos, Davao del Sur.

Inaasahan namang magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala.