Dating senador Rene Saguisag pumanaw na

Sumakabilang buhay si dating senador Rene Saguigsag sa edad na 84.

Sumakabilang buhay si dating senador Rene Saguigsag sa edad na 84.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Rebo sa isang Facebook post.

“It is with profound sadness that we announce the passing of our dear Papa and Lolo,” ayon sa statement ng pamilya ni Saguisag.

Nilarawan si Saguisag bilang isang dedicated public servant, na tumutok sa kanyang tungkulin bilang human rights advocate, senador at manunulat.

“For him, expertise in law was a means to serve the poor and disenfranchised, and he provided free legal aid to those in need,” lahad pa.

Nakiusap naman ang pamilya ni Saguisag ng privacy para sila’y makapagluksa.

“We request that our family be granted a few moments of privacy as we grieve. We will soon announce details of the service honoring his life, and we look forward to the opportunity to gather and pay tribute to a life lived with integrity and purpose,” saad ng pamilya ni Saguisag.