Dating kompositor sa Albay, nananawagan na maipagamot dahil sa sakit sa kidney

Kumakatok sa pinto ang pamilya ng kompositor para madugtungan ang kanyang buhay.

DARAGA- Nananawagan ngayon ng tulong ang dating kompositor ng Bicol Songs na si Manny Torreda, 70, ng Brgy. Maroroy matapos tamaan ng sakit sa kidney nito lamang Abril.

Kwento niya, Abril nang ma-diagnose siya sa sakit sa kidney, ito rin daw ang kanyang una at huling beses na natingnan siya ng doktor.

Tanging ang anak niya na lamang na lalaki na isang stroke patient pa ang nag-aasikaso sa kanya.

Kung paano ang pang-araw-araw na buhay, umaasa na lamang sila sa mga ibinibigay na tulong sa kanila ng mga kakilala.

Ayon kay Allan Ronald, kung may isa man siyang kahilingan, ito ay maipagamot at madugtungan pa ang buhay ni Tatay Manny.

Ilan sa mga na-compose na kanta ni tatay Manny ay ang “Awtong Taklaon” at “Bobon”.

Sa gustong tumulong, maaaring tumawag sa cellphone number ni Allan Ronald: 0991-579-6564.