Dating kargador at street vendor, law graduate na ngayon!

Hindi lang nagtapos ng abogasya, kundi nagtapos ding Valedictorian ang dating nagtitinda ng sorbetes at kargador na si Jorenz Obiedo sa University of Caloocan City, College of Law.

Hindi lang nagtapos ng abogasya, kundi nagtapos ding Valedictorian ang dating nagtitinda ng sorbetes at kargador na si Jorenz Obiedo sa University of Caloocan City, College of Law.

Anak ng isang construction worker at mula sa labindalawang magkakapatid, nagawang abutin ng 26-ayos na si Obiedo ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagsisikap at determinasyon.

“‘Yung tatay ko po sinama po ako na magbenta po nung dirty ice cream po. So ‘yun po ‘yung una kong trabaho. Mas mabigat pa po ‘yung dinadala ko na styro box kesa po sa bigat ko po,” kwento ni Jorenz.

“Nag-dishwasher po ako ng lugawan tapos nagkargador din po ng softdrinks. Naging boy din po ako or helper ng hardware store, suma-sideline po ako sa papa ko nung college ‘yung nagko-construction,” dagdag niya.

Patuloy na nagtrabaho si Obiedo hanggang a makatuntong ng kolehiyo at naging stenographer naman nang siya ay pumasok sa pag-aabogasya.

Tanging si Obiedo lamang ang nakapagtapos sa kanilang magkakapatid, at kung papalaring maging isang ganap na abogado, hiling niya na makapagtrabaho sa public attorney’s office upang makatulong sa mga taong tulad niyang kapus palad at walang kakayahang maka-access sa hustisya.