Dating aide ni Roque papaimbegistahan! — PAOCC

Bukas ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (POACC) sa posibilidad ng pagsasampa ng kaso kung mapapatunayang may kinalaman nga si AR Dela Serna sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Usec. Gilbert Cruz, kasama na ang dating travel buddy ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanilang mga pinapaimbestigahan dahil sa narekober na mga papeles sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

“Kasama sa imbestigasyon, especially Cassandra Ong, and as to kay Dela Serna, kasama rin dahil part ito ng mga documents na na-recover namin dito sa loob ng POGO Hub na ito,” sabi ni Cruz.

Si Cassandra Lee Ong ang isa sa mga kinokonsiderang “person of interest” na nakapangalan sa mga dokumentong ginamit upang magrehistro sa PAGCOR na konektado umano kay suspended Bamban Mayor Alice Guo at sa mga ilegal POGO operations sa Bamban at Porac.

“Si Cassandra, more on management side, and as to the participation ni dela Serna, papaimbestigahan pa namin,” dagdag ni Cruz.

Matatandaang nakuha ang mga dokumentong pirmado ni Roque sa ni-raid na POGO hub kung saan nakasaad rito na ina-awtorisa ni Roque si dela Serna sa sumama sa kanya sa Europa upang maging travel companion.