Dasurv! Whang-Od pinarangalan sa Malacañang, hatid-sundo ng AFP chopper

Hindi kinailangan ni Apo Whang-Od na bumiyahe nang matagal para makapunta sa Maynila para mabisita ang Malacañang.

Hindi kinailangan ni Apo Whang-Od na bumiyahe nang matagal para makapunta sa Maynila para mabisita ang Malacañang.

Isinakay lang naman ang legendary tattoo artist sa Black Hawk helicopter ng 205th Tactical Helicopter Wing.

Mula Buscalan, Kalinga, sinundo si Apo Whang-Od para personal na maparangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng Presidential Medal of Merit.

Kinilala si Whang-Od dahil sa kanyang pambihirang kontribusyon para manatiling buhay ang “pagbabatok” o tradisyunal na pagta-tatto sa Kalinga.

Matapos maparangalan, hinatid din si Whang-Od gamit pa rin ang Black Hawk helicopter para masiguro ang ligtas at mabilis na biyahe nito pabalik ng Kalinga.

“The use of the Black Hawk helicopter not only symbolized the convergence of tradition and modernity but also emphasized the commitment of the government to honor and acknowledge the cultural richness embedded in the diverse landscapes of the Philippines,” ayon sa 205th Tactical Helicopter Wing.