Dasurv! UP propesor at dating punong negosyador ng gobyerno Coronel-Ferrer, ginawaran ng Ramon Magsaysay Award

Isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang kabilang sa mga makatatanggap ng Ramon Magsaysay Award ngayong taon.

Isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang kabilang sa mga makatatanggap ng Ramon Magsaysay Award ngayong taon.

Si Miriam Coronel-Ferrer, dating campus journalist, ay paparangalan matapos itong umupo bilang isang negosyador ng gobyerno na tumulong na wakasan ang mahigit limang dekadang paghihimagsik ng mga Muslim sa bansa.

Sa paggawad ng karangalan kay Ferrer, sinabi ng pamunuan ng Ramon Magsaysay Awards Foundation (RMAF) na kinilala nila ang kahalagahan ng pagbubuklod ng iba’t ibang grupo upang makamtan ang kapayapaan.

“The RMAF board of trustees recognizes her deep, unwavering belief in the transformative power of non-violent strategies in peace building, her cool intelligence and courage in surmounting difficulties to convey the truth that it is through inclusion rather than division that peace can be won and sustained, and her unstinting devotion to the agenda of harnessing the power of women in creating a just and peaceful world,” ayon sa RMAF, na inanunsyo ang mga nanalo noong Huwebes, Agosto 31.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Coronel-Ferrer sa pagkilala ng kanyang mga nagawa.

“Conflicts are best resolved not through the annihilation of one party, but by the mutual transformation of all players towards a common vision and shared responsibilities and accountability,” paliwanag ni Coronel-Ferrer.

Si Coronel-Ferrer ang nagsilbing punong negosyador ng gobyerno nang muling sinimulan ang usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Hinihimok ni Ferrer ang hanay ng MILF at ng gobyerno na lumagda sa isang kasunduan pangkapayapaan noong 2014.

Kapatid rin ni Miriam ang mamamahayag na si Sheila Coronel, na pinarangalan rin ng Ramon Magsaysay Award noong 2003.

Makatatanggap rin ng parangal sina Dr Ravi Kannan R, na nagbibigay nang libreng tulong medikal para sa mga may kanser; si Eugenio Lemos, isang magsasaka mula East-Timor na nagtataguyod ng organic farming; and si Korvi Rakshand, isang abogado sa Bangladesh na nagtuturo ng wikang English sa mga batang Bangladeshi upang makahanap sila ng mga mas magandang pagkakataon sa buhay.

Ang Ramon Magsaysay Awards ay tanyag bilang “Nobel Prize ng Asya.”