Dasurv? Tsuper na body shamer, pinapasuspinde lisensya

Hindi lang multa kundi suspensiyon din ang inabot ng isang tsuper ng jeep na namahiya ng isang pasahero dahil sa kanyang timbang.

Hindi lang multa kundi suspensiyon din ang inabot ng isang tsuper ng jeep na namahiya ng isang pasahero dahil sa kanyang timbang.

Ito ang inirekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Land Transportation Office kung saan pinapakumpiska nito ang lisensya at pinagbabayad ng multa ang jeepney driver na nambastos umano ng pasahero dahil sa laki at pangangatawan nito.

Ayon sa resolusyon, aabot sa P15,000 ang multa na kailangang bayaran ng tsuper at ng may-ari ng pampasaherong jeepney.

“The act of the driver and his conductor is not only abominable but has no place in a civilized society,” saad ng LTFRB.

“The degradation and humiliation suffered by the complainant coupled with the brazen admission and unapologetic behavior of the driver and his conductor deserved scant penalty from this office, ” dagdag nito.

Noong nakaraang linggo ay nag-viral sa social media ang video ni Joy Gutierrez, biktima, kung mapapanood na pilit siyang pinapababa ng tsuper at konduktor ng jeep dahil sa timbang niya habang sinabi pa ng tsuper na baka ma-flat ang gulong dahil sa pangangatawan ng biktima.