Dasurv! Rodriguez suportado franchise renewal ng Meralco!

Kasama nang nananawagan si Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez na ipagpatuloy ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco), ang pinakamalaking power distributor sa bansa.

Kasama nang nananawagan si Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez na ipagpatuloy ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco), ang pinakamalaking power distributor sa bansa.

Ayon kay Rodriguez, mahalagang bigyan ng patuloy na prangkisa ang Meralco upang mapanatili ang maayos at mapagkakatiwalaang serbisyo nito sa mga mamimili ng kuryente.

Kamakailan lamang, isinumite ni Rodriguez ang House Bill (HB) No. 9813 para sa pagkakaloob ng panibagong 25-taong prangkisa sa Meralco na aniya’y magpapalakas ng kumpiyansa ng mga investor sa bansa.

Ang prangkisa ng Meralco ay nakatakda na mag-expire sa 2028.

Bilang pinakamalaking tagapamahagi ng kuryente sa bansa, naglilingkod ang Meralco sa 7.8 milyong mga kostumer sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at ilang mga lugar sa Pampanga, Laguna, Batangas, at Quezon.

Sinabi ng mambabatas na dapat bigyan ng legislative franchise ang Meralco upang ipakita ang pagkakatapit ng pamahalaan sa pagkamit ng seguridad sa enerhiya.

Binigyang-diin niya ang malaking ambag ng Meralco sa ekonomiya ng bansa at ang halaga ng pagpapatuloy ng kanilang prangkisa sa pag-iinvest sa mga infrastructure at proyekto sa sektor ng enerhiya.

“Renewing the franchise of Meralco will show potential investors that capital-heavy investments can benefit from long-term stability here in the Philippines as it is safeguarded by the government,” ani Rodriguez.

“This in turn will result in improved service and economic conditions for Filipinos in the long run,” dagdag pa niya.