Dasurv nila ‘yan! 2 aktibista kakasuhan matapos ang mga paratang kontra militar—DOJ

Ayon sa DOJ, may sapat na ebidensiya para kasuhan sina Jonila Castro at Jhed Tamano, na pawang mga miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ito ay dahil sinadya nilang ipahiya ang AFP sa pagbaligtad nito sa isang press conference noong Setyembre.

Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang dalawang aktibista ng grave oral defamation matapos ang mga paratang nito kontra sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang dalawa ay sina Jonila Castro at Jhed Tamano, na pawang mga miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Una na nilang sinabi na nakawala sila mula sa mga komunista at susuko na sa pamahalaan. Subalit sa press conference na inorganisa ng ational Task Force to End Local Communist Armed Conflict noong Setyembre 17 ay iniba nila ang kanilang kwento at sinabing biktima sila ng kidnapping ng mga sundalo.

Ayon sa resolusyon ng DOJ, may sapat na ebidensiya at probable cause para kasuhan sina Castro at Tamano.

“We consider the statement of respondents to be serious slander because the circumstances of the case show that they consciously, intentionally, and on purpose waited and chose the press conference which would be held in public to air their grievance and plight,” saad ng DOJ.

Dagdag pa ng DOJ, ginamit ng dalawa ang kabaitan ng 70th Infantry Battalion at AFP para tahasan silang ipahiya sa publiko.

“The slanderous words were obviously uttered with evident intent to strike deep into the character, honor and reputation of (the) complainant and the AFP,” sabi pa ng resolusyon.

Una nang inireklamo ni Lt. Col. Ronnel dela Cruz, kumander ng 70th Infantry Batallian ng Philippine Army, ang dalawa matapos nilang baligtarin ang kanilang istorya. Sa kaniya rin diumano sumuko sina Tamano at Castro.