DAR sinaluduhan pagsuporta ng AFP kay PBBM

Pinuri ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang pagsuporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Pinuri ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang pagsuporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay sa kabila ng panawagan ni Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na bawiin ng AFP ang kanilang suporta kay Marcos upang maiwasan ang posibleng digmaan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Estrella na sinasaluduhan niya ang AFP sa pagpapakita ng suporta sa Pangulo.

Aniya, wala naman umanong rason para pagwata-watakin ang bansa para lang sa isang banta na hindi makatotohanan.

“We salute the Armed Forces of the Philippines for strongly rejecting the call to withdraw support for the President… There is no moral reason to divide our people by sowing unfounded fears against imagined threats,” A
wika ni Estrella.

Giit ni Estrella, na lahat ng mga lingkod-bayan ay dapat patuloy na magtupad ng kanilang mga tungkulin alang-alang sa sambayanang Pilipino.

“We should, instead, find every reason to work together, to unite, whatever our political persuasions may be, to advance national development on all fronts,” dagdag pa nito.