Dapat na talagang paspasan ito! Cha-Cha, susi sa paghikayat ng mga negosyante, paglago ng ekonomiya—mambabatas

Muling iginiit ni Albay Rep. Joey Salceda na ang pag-amyenda sa mga probisyong pang-ekonomiya sa Saligang Batas ay makakatulong ng malaki para mas lumaki ang tiwala ng mga banyagang mamumuhunan at negosyanta na dalhin ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas.

Muling iginiit ni Albay Rep. Joey Salceda na ang pag-amyenda sa mga probisyong pang-ekonomiya sa Saligang Batas ay makakatulong ng malaki para mas lumaki ang tiwala ng mga banyagang mamumuhunan at negosyanta na dalhin ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas.

Ito naman aniya, ang magiging susi para sa mas lumago ang ekonomiya ng bansa.

“I agree with [Socioeconomic Planning Secretary Arsenio] Balisacan that faster Cha-cha (Charter change) is better for investors’ certainty,” saad ni Salceda sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, Enero 27. “The faster the legislators can complete the process of Charter Change, the better it will be for the economy.”

Sinabi rin ng chairperson ng House Committee on Ways and Means na ang mga pagbabago sa 1987 Constitution ay isinusulong upang gawing kaaya-aya ang Pilipinas sa mga banyagang mamumuhunan.

Aniya, hindi aalis sa bansa ang mga negosyante kung matutuloy ang mga repormang ito.

“One, we commit to expanding, not restricting the scope of the economy that is open to foreign investment. Two, we commit to making investing in the Philippine easier and not harder so we will impose no new regulatory restriction in areas that are already open,” paliwanag pa ni Salceda.

Bukod dyan, mas palalawigin pa ng mga repormang ito ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga negosyante para mas lalo silang mamuhunan sa bansa.