Dapat may pagsisisi at pagbabago: Peace adviser, nilinaw na hindi ‘blanket amnesty’ ang ipinagkakaloob ng pamahalaan

Hindi basta-basta ang amnestiyang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga rebeldeng komunista, at hindi lahat ay mabibigyan nito.

Nilinaw ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na hindi blanket amnesty ang ibinigay ng pamahalaan sa mga rebeldeng komunista.

Iyan ang tiniyak ni Galvez sa kaniyang talumpati sa pagsisimula ng hearing sa Kamara tungkol sa mga amnestiyang ipinagkaka loob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa katunayan, kahit nabigyan ng amnestiya, kailangan pa rin harapin ng mga dating rebelde ang kanilang civil liabilities kaugnay sa mga krimen nila laban sa sibilyan.

“We also wish to stress that these amnesty proclamations do not give blanket amnesty to these former rebels. By blanket amnesty, we mean that they will be granted amnesty regardless of the nature of their crimes, as earlier explained. This will not be the case, as the amnesty proclamations clearly define what specific crimes are covered,” paliwanag ni Galvez.

Dagdag pa niya, may mga kaakibat ring kundisyon ang amnestiya, kabilang na ang pagpapakita ng pagsisisi at kahandaang magbago na.

“It is also important for the former rebels themselves to show remorse and admit to the crimes that they have committed, and in doing so, show that they have completely turned away from a life of violence and armed struggle,” ani Galvez.