Dapat magkaisa ang Kamara at Senado! Romualdez, nakipag-ugnayan sa Senado para ayusin ang sigalot na dulot ng Cha-Cha

Sa kaniyang liham, binigyang-diin ni Romualdez ang una niyang sinabi na ang pagsulong ng Senado sa RHB No. 6 ay patunay sa "strong sense of unity and purpose” ng Kamara at Senado para “mabuksan ang ekonomiya para makapasok ang pondong kailangan sa paglikha ng mas maraming negosyp, trabaho at kabuhayan

Sumulat si House Speaker Martin Romualdez kay Senate President Juan Miguel Zubiri para sana maayos na ng Kamara at Senado ang hindi pagkakaunawaan nito sa usaping Charter Change.

Ito ay matapos ang tila pag-atras ng Senado sa Resolution of Both Houses (RHB) No. 6 na unang isinulong ni Zubiri bilang paraan sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sa kaniyang liham, binigyang-diin ni Romualdez ang una niyang sinabi na ang pagsulong ng Senado sa RHB 6 ay patunay sa “strong sense of unity and purpose” ng Kamara at Senado para “mabuksan ang ekonomiya para makapasok ang pondong kailangan sa paglikha ng mas maraming negosyp, trabaho at kabuhayan ng mga Pilipino.”

BASAHIN RIN: ‘We are ready to embrace the RHB!’ Romualdez, handang makipagtulungan sa Senado upang matuloy ang economic Cha-Cha

Iminungkahi rin ng Speaker na magsimula ang Senado ng kanilang bersiyon ng People’s Initiative, na aniya’y susuportahan ng Kamara.

“We also pledge and commit to support an alternative People’s Initiative led by the Senate with the proposition on amendments to the restrictive economic provisions of the constitution,” saad niya.

Bilang pagtatapos, iginiit muli ni Romualdez sa kaniyang liham ang kahalagaan ng kooperasyon pagdating sa Cha-Cha.

“We stand at a historic juncture, where cooperations and collective resolve are paramount. We will transcend past barriers to reform, charting a course towards a future where every Filipino can partake in the nation’s prosperity,” aniya.

BASAHIN RIN: Bayan ba or pansariling interes ang pinaglalaban? Senado, takot mabuwag kaya ayaw sa Cha-cha — mambabatas