Dapat hi-tech! VP Sara: Gamitin ang teknolohiya sa pag-angat ng antas ng edukasyon

Hinimok ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga education stakeholders na mas gamitin pa ang makabagong teknolohiya gaya ng artificial intelligence upang mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon.

Hinimok ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga education stakeholders na gamitin ang teknolohiya upang mas mapaganda ang kalidad ng edukasyon.

“We now live in an era where undeniably, technology must be harnessed to improve access, quality, and equality in education,” paliwanag ni Duterte sa kanyang talumpati sa 2023 Global Education and Innovation Summit (GEIS) sa Seoul, South Korea noong Huwebes, Setyembre 21.

Partikular na binigyang-diin ni Duterte ang artificial intelligence (AI) na gagawa umano ng isa nanamang “paradigm shift” sa edukasyon.

“While this possibility will present newer and greater opportunities, it will also present many uncertainties in our vision of digital education,” dagdag ni Duterte, na siya ring pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Duterte ang mga education stakeholders na laging isaalang-alang ang critical thinking, creativity, communication, at collaboration sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

Dapat rin aniyang maging “responsive” ang mga ito at mag-implement ng mga hakbangin upang mas mapabuti pa ito.