Daniel Padilla napa-‘Sana All’ sa mga mag-jowa!

Walang ibang nasabi kundi napa- sana all ang ang aktor na si Daniel Padilla nang makita niya ang maraming manonood na kasama ang kanilang mga girlfriend sa Bagong Pilipinas Pasasalamat Concert noong nakaraang Biyernes, June 7.

Sa gitna ng malakas na ulan at mga nagsisi-hiyawan na audience, bago pa man siya magsimula sa pagkanta ng “Yakap sa Dilim” ng banda na Orange and Lemons, isang tanong ang binitawan ni Daniel sakanyang audience, “Sino ‘yung mga may kasamang nobya ngayong gabi?”

Sabay sabi niya ng “Sana all” habang nakangiti at tila kilig na nakatingin sa mga magkasintahang manonood.

“Gusto kong yakapin niyo ang mga nobya niyo ngayong gabi habang umuulan. Napaka-romantic.” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, naging tampulan naman ito ng samu’t-saring kumento ng mga netizen na tila hindi pa rin maka-move on sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

“Taga SANA ALL kana lang ngayon, kasi dii mo pinahalagahan 🙄🤣,” sabi ng isang netizen.

“lumbay siya ih! 😆 Di marunong magpahalaga ihhh,” sabi pa ng isa.

Bukod kay Daniel, nag-perform din sa concert na ito ang bandang Kamikazee at Gigi Vibes.

PANUORIN: