Daniel Padilla nagparamdam sa birthday ni Kathryn Bernardo?

Kahit hiwalay na, mukhang hindi pa rin nakakalimutan ni Daniel Padilla na batiin si Kathryn Bernardo para sa birthday nito.

Kahit hiwalay na, mukhang hindi pa rin nakakalimutan ni Daniel Padilla na batiin si Kathryn Bernardo para sa birthday nito.

Nitong Martes, March 26, ay pinagdiwang ni Kathryn ang kanyang 28th birthday.

Kasabay niyan ay may story din si Daniel sa Instagram ng mga patterns na tila bumubuo sa larawan ng isang babae.

Hindi klaro kung sino ang babae sa pinost ni Daniel, pero tingin ng mga netizen ay si Kathryn ito.

Isa pa sa nagpatibay ng hinala ng mga netizen ay ang Japanese characters din na sinama ni Daniel sa larawan.

Kapag trinanslate kasi ito ay lalabas na “Happy Birthday to you” ang mensahe ni Daniel sa mystery girl.

Matatatandaan na noong nakaraang taon nakumpirmang hiwalay na ang KathNiel matapos ang 10 taon bilang magkarelasyon.

Hindi na binahagi ng dalawa kung anong naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

434307229 830022639165944 5786901305513386490 n