Daniel Padilla nag-birthday sa animal shelter

Kawanggawa ang naging sentro ng kaarawan ni Daniel Padilla nitong Abril 26, kung saan binisita niya ang isang animal shelter sa Arayat, Pampanga.

Kawanggawa ang naging sentro ng kaarawan ni Daniel Padilla nitong Abril 26, kung saan binisita niya ang isang animal shelter sa Arayat, Pampanga.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, higit 90 na aso at 50 pusa ang nakatira a naturang animal shelter.

Dinalhan ni Daniel ng pagkain ang mga hayop at pinagawan din ng maayos na tirahan ang mga ito.

“Very happy kasi ginagawa natin is meaningful,” saad ng aktor.

Ikinatuwa naman ng may-ari ng animal shelter ang pagbisita ni Daniel.

“Hindi ko akalain, kasi wala naman kaming as in donor. Wala talaga …hindi ko akalain na mapipili niya kami,” pahayag ni Gemma Omongos.

Bukod sa mga pagkain, nagsama rin si Daniel ng isang grupo ng mga veterinarian para tingnan ang kalagayan ng mga aso at pusa. Kinapon na rin nila ang mga ito.

Kilala si Daniel sa pagiging malapit sa mga hayop. Matatandaang inihayag niya na ang aso niyang si Summer ang pinaka-loyal sa kanya sa lahat ng kanyang mga kakilala.