Daniel ikaw ba yan? Kathryn Bernardo may hugot sa pagpapatawad

Malalim ang hugot ng aktres na si Kathryn Bernardo tungkol sa pagpapatawad.

Malalim ang hugot ng aktres na si Kathryn Bernardo tungkol sa pagpapatawad.

Sa panayam ng MEGA Magazine, binuksan ni Kathryn ang kanyang saloobin hinggil sa pagpapatawad ng isang tao.

“Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life,” saad ni Kathryn.

“I forgive you for my peace of mind, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean na puwede kang bumalik,” aniya.

“It depends. I’ll just keep my distance; you keep your distance. We’re okay like that. I mean, kunwari I got hurt, why would I allow you to come back?” dagdag pa niya.

Nobyembre ng nakaraang taon nang ianunsyo ni Kathryn ang hiwalayan nila ng nobyong si Daniel Padilla. Higit isang dekada ang itinagal ng kanilang relasyon.

Ilang haka-haka ang umusbong noong kasagsagan ng break-up ng KathNiel. Isa sa mga ito ang ‘di umano’y pambababae ni Daniel.